Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga bagong doktor na magsilbi sa bayan sa halip na mag-abroad.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroon tayong sapat na incentive programs para sa mga doktor.
Kabilang aniya dito ang Salary Standardization Program ng gobyerno para maging competitive ang kanilang sweldo.
Paliwanag pa ni Vergeire, hindi na rin naman kailangan na magtungo pa ng mga doktor sa abroad para mag-training dahil marami nang mga programa ang mga ospital sa bansa.
Matatandaang umabot sa 3,538 ang mga bagong doktor matapos pumasa sa Physicians Licensure Examinations.
Facebook Comments