HIGIT 36M CASH AID, NAIPAMAHAGI SA CORN FARMERS NG ILOCOS REGION KAUGNAY SA FUEL SUBSIDY

Umabot sa kabuuang P36,882,000 cash aid ang naipamahagi sa 12,244 na corn farmers mula sa Ilocos Region kaugnay sa pamamahagi ng fuel subsidy na tulong ng pamahalaan sa mga magsasaka sa patuloy na oil price hike.
Kaugnay nito, ang lalawigan ng Pangasinan ay may inilaan na P17,151,000 para makinabang ang kabuuang 5,717 na corn farmers habang ang lalawigan ng La Union ay naglaan ng kabuuang P4,566,000 para sa 1,522 na corn farmers.
Ang mga magsasaka ng mais mula sa Pangasinan at La Union ay tatanggap ng kanilang fuel subsidy sa hiwalay na iskedyul habang hinihintay ang pagsusumite ng kumpletong master list ng mga benepisyaryo mula sa mga LGU.

Nakatanggap naman ang Ilocos Norte ng P6, 492,000 halaga ng fuel subsidy para sa 2,164 na magsasaka nito, habang ang Ilocos Sur ay nakakuha ng P8,523,000 para sa 2,841 na magsasaka nito.
Para mapakinabangan ang proyekto, kailangang nakarehistro ang mga corn farmers sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA at naka-encode sa Farmers and Fisherfolk Registry System (FFRS).
Sa pagkuha ng discount voucher, kailangan nilang magpakita ng katibayan ng pagmamay-ari ng isang functional machinery tulad ng certificate of Agricultural and Fishery Machinery and Equipment Registration mula sa City o Municipal LGUs, certification mula sa Municipal Agriculture Office (MAO) na siya ang may-ari ng functional machine; sales/cash invoice/delivery receipt/official receipts; kasulatan ng donasyon/pagbebenta o memorandum ng kasunduan sa paglilipat ng resibo ng ari-arian/resibo ng invoice.
Ang programa ay layong makapagbigay sa mga magsasaka at mangingisda ng fuel discount para mapagtibay at mapawi ang epekto mula sa pagtaas ng presyo ng langis.
Ang programa ng diskwento sa gasolina ay may kabuuang badyet. ng P500 milyon sa buong bansa. | ifmnews
Facebook Comments