Nasa 41 indibidwal ang sugatan matapos na magkaharap ang mga nagki-kilos protesta at mga otoridad sa Bangkok, Thailand.
Nabatid na nagsimula ang kaguluhan ng tangkain ng mga nagki-kilos protesta na pasukin ang parliament kung saan nagsasagawa ng debate ang mga mambabatas para sa posibleng pagbabago sa kanilang kontitusyon.
Isa sa mga iminungkahi sa pagbabago ng konstitusyon ay ang pagbabago sa monarkiya at pagpapa-alis sa pwesto ni Prime Minister Prayuth Chan-Ocha.
Ito na ang pinaka-marahas na kilos protesta na naganap sa Bangkok at napag-alaman na karamihan sa mga nangunguna sa nagpo-protesta ay mga estudyante.
Facebook Comments