Higit 40 pasyente, isinailalim sa clinical trial ng convalescent plasma therapy para sa COVID-19 – DOST

27

Sumailalim ang nasa higit 40 Pilipinong pasyente sa clinical trial para sa efficacy at safety ng convalescent plasma transfusion bilang adjunctive therapy laban sa COVID-19.

Ang convalescent plasma ay kinukuha sa dugo ng mga pasyente na gumaling sa infection at naglalaman ng neutralizing antibodies laban sa sakit.


Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, nagpapatuloy ang recruitment ng mga participants.

Nasa 42 mula sa target na 136 participants ang ni-recruit para sa clinical trial na pinondohan ng DOST Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD).

Mula sa nasabing 42 pasyenteng naka-enroll sa trial, 38 ay nakalabas na sa Philippine General Hospital kung saan apat ang ipina-follow-up at 34 ang tapos na sa trial.

Ang clinical trial project ay pinangungunahan ni Dr. Deonne Thaddeus Gauiran ng University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH) at gagawin ito sa loob ng 12 buwan na nagsimula noong Hulyo 1, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021.



Ang clinical trial ay randomized, non-placebo controlled, open-label, at single-centered at layuning malaman kung mapipigilan nito ang progreso ng sakit sa ilang mga pasyenteng na-ospital.

Umaasa si DOST-PCHRD Executive Director Dr. Jaime Montorya na pamamagitan ng clinical trial, mabibigyan ang mga COVID-19 patients ng supportive treatment para maiwasan ang worst case scenarios.


Facebook Comments