PNP Chief Eleazar, iniutos sa mga commanders na maging mabuting ehemplo

76

Ipinag-utos ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar sa kanyang mga senior officers na tiyaking magkakaroon ng epektibong pamamahala sa kanilang ground commanders.

Sa kanyang unang command conference, sinabi ni Eleazar na ang pagkakaroon ng maayos na liderato ay isang mabuting halimbawa para iwasan ng mga pulis na may mababang ranggo na gumawa ng ilegal na aktibidad.


Ang maayos na pamamahala ay makakatulong sa pagpapatupad ng kanyang programa na was akin ang padrino system, o paggamit ng mga maimpluwensyang tao para sa recruitment ng mga pulis sa bansa.

Bukod dito, nag-isyu rin si Eleazar ng command guidance sa pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan at pagresponde sa COVID-19 crisis.

Ibinihagi rin ni Eleazar ang ilang ideya para mapalakas ang laban kontra krimen, ilegal na droga, insurhensya, at terorismo.

Facebook Comments