Manila, Philippines – Sinampahan na ng reklamo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman ang 46 incumbent government officials kasama sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, kabilang sa kanilang mga inireklamo ang 35 mayors, pitong vice-mayors, isang provincial board member at tatlong kongresista.
Nahaharap ang mga ito kasong administratibo, grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service, conduct unbecoming of a public officer at gross neglect of duty.
Giit ni Año, ang mga respondents ay masusing sinuri at kinumpirma ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na pinumumunuan ng PDEA katuwang ang PNP, AFP, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno.
Una nang inaunsyo noong August 2016 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahabanag listahan ng mga personalidad na umano’y dawit sa illegal drug trade kabilang ang mga hukom, lokal na opisyal at retired at active police officers.