Cardinal Tagle, hinimok ang lahat na manalangin para umulan

147

Nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat ng mananampalataya na ipanalangin ang ulan.

Ito ay sa gitna ng nararanasang kakulangan ng suplay ng tubig.

Ipinasasama na ni Cardinal Tagle sa panalangin ng bayan sa bawat misa sa buong Archdiocese of Manila ang biyaya ng ulan.

Aniya, dapat hilingin din sa Diyos na sa gitna ng krisis ay matutunan ng bawat isa ang pagbabahagi sa kapwa.

Facebook Comments