Higit 400 Facebook accounts, sinuspinde ng Meta

Sinuspinde ng social media giant na Meta Platforms Inc., ang mahigit 400 accounts, pages, at groups dahil sa hate speech, misinformation, at bullying kaugnay sa Eleksyon 2022.

Ito ay kasunod ng pagdami ng mga online hate speech matapos ibaling ng mga kandidato at kanilang mga tagasuporta sa social media ang kanilang kampanya.

Ayon sa Meta na nasa likod ng Facebook, Instagram at WhatsApp, naobserbahan nila ang ilang trends na gumagamit ng mga ‘less sophisticated strategies’ o “spam-like” behaviors tungkol sa halalan.


Mayroon ding ‘context switching’ o ang pagpapalit ng Facebook focus upang maparami ang kanilang audience tulad ng pagpapalit ng pangalan ng isang page mula sa pagiging non-political sa political content.

Nilinaw naman ng Meta na ang kanilang mga polisiya ay nakatuon sa pag-uugali sa social media at hindi base sa content o political agenda ng mga ito.

Facebook Comments