Halos 300 driver sa terminal ng SM MOA at PITX , sumailalim sa random drug test

Sumailalim sa isang surprise random drug test at alcohol breath analyzer test ang halos 300 driver mula sa terminal ng SM Mall of Asia at ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Sa isinagawang pagsusuri, anim ang nagpositibo sa ilegal na droga habang isa ang nakainom ng alak.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nagpositibong driver.


Samatala, sumalang din sa motor vehicle safety inspection ng Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT ang mahigpit 33 na pampublikong sasakyan kung saan dalawa ang bumagsak.

Binigyan ang dalawang PUV ng babala at pagkakataong isaayos ang kanilang mga sasakyan.

Facebook Comments