Higit 400 klase, nasuspinde ngayong araw dahil sa Bagyong Karding

Umabot sa 488 na mga klase ang nasuspinde dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Karding.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga.

Pinakamarami sa mga nagsuspinde ng klase ay mula sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon (CALABARZON) na 142, sinundan ng Cordillera Administrative Region (CAR) na may 77, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan (MIMAROPA) na may 73, Region 1 na may 67, Region 5 na nasa 59, Region 2 na may 58, at Region 3 na nasa 12.


Samantala, iniulat din ng NDRRMC na 328 tanggapan ng pamahalan ang nagsuspinde ng trabaho dahil pa rin sa bagyo.

Kasunod nito patuloy na paalala ng NDRRMC sa mga apektadong residente na mag-ingat at patuloy na makinig sa abiso ng kanilang lokal na pamahalaan.

Facebook Comments