Buong atensyon ng Kamara, ibubuhos sa 2023 proposed budget ngayong buong linggo

87

Simula ngayong Lunes o ngayong buong linggo ay ibubuhos ng Mababang Kapulungan ang buong panahon nito sa pagtalakay sa panukalang 2023 national budget na nagkakahalaga ng ₱5.268 trillion.

Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, wala na muna silang ibang panukalang batas na bibigyan ng oras hanggang hindi naipapasa ang 2023.

Sabi ni Dalipe, kahit abutin sila ng dis-oras ng gabi ay tatapusin ng Kamara ang Plenary Deliberations sa proposed budget hanggang sa Miyerkules, September 28 upang makamit ang target na pag-apruba dito sa September 30.


Dahil dito ay 14 na ahensya na lang ang nakatakdang isalang sa plenary deliberations ngayong linggo.

Kabilang dito ang Department of Tourism (DOT), Department of Trade and Industry (DTI), Office of the Press Secretary, Department of Information And Communications Technology (DICT), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr), Department of Energy (DOE), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Office of the President, Presidential Management Staff at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Facebook Comments