Sako-sakong basura, nahakot sa Dolomite Beach at Baseco Beach

229
Courtesy: Radyoman Emman Mortega

Sako-sakong basura ang nahakot ngayon sa Manila Bay Dolomite Beach at Baseco Beach matapos ang pananalasa ng Bagyong Karding.

Patuloy ang ikinakasang paglilinis ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Dolomite Beach upang bumalik sa dati ang itsura nito.

Habang sa Baseco Beach ay walang tigil ang mga tauhan ng Manila Department of Public Service para tuluyan ng matanggal ang mga basura.


Nabatid na dahil sa nasabing bagyo at ilang araw na pag-uulan, inanod ang iba’t ibang klase ng basura tulad plastic, mga sirang kahoy o gamit at iba pa sa mga nabanggit na beach.

Sa kabila ng mga nagkalat na basura sa Dolomite Beach, pinapayagan pa rin ang mga bumibisita rito habang bawal naman ang publiko sa Baseco Beach.

Facebook Comments