Higit 400 na health workers, nabakunahan na sa unang araw ng COVID-19 vaccination rollout – DOH

Aabot sa 416 healthcare workers ang nakatanggap na ng unang shot ng Sinovac vaccines sa unang araw ng inoculation program laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa ito pinal na datos dahil hindi pa nakakapagpadala ng datos ang ibang ospital.

Target nilang matapos ang initial phase ng vaccine rollout sa loob ng dalawang linggo.


Prayoridad sa unang phase ay ang mga health workers dahil sila ang mas expose sa virus.

Bukod dito, iniulat din ni Vergeire na nasa 13 tao ang nakaranas ng minor adverse events matapos mabakunahan.

Kabilang na rito ang mataas na blood pressure, pangangati, pamamantal at pagkahilo.

Nilinaw ni Vergeire na karaniwan nagkakaroon ng minor adverse effects pagkatapos mabakunahan.

Facebook Comments