
Nasa 4,795 na mga tricycle driver mula sa iba’t-ibang distrito sa lungsod ng Maynila ang nakatakdang mabigyan ng P5,000 na cash assisitance mula sa pamahalaan sa ikalawang araw ng pamamahagi nito.
Ito’y pangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan inuna muna ang tsuper mg tricycle na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Para maiwasan ang aberya tulad ng nangyari kahapon sa ibang lugar na nagka-problema sa pamimigay ng cash assisitance, muling inabisuhan ang mga presidente ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at mga miyembro na maagang ayusin ang mga kinakailangan dokumento gsya ng drivers license.
Dito naman sa Dakota Covered Court sa Quirino Avenue sa Maynila, maagang pumila ang mga tricycle drivers na unsng ini-schedule ng DSWD katuwang ang lokal na pamahalaan ng Maynila.
Nasa 1,133 na mga tsuper nv tricycle ang nakatakdang mabigyan ng ayuda na pawang mga residente ng District 5.
Bukod dito, kasalukuyan na rin ginaganap ang ikalawang pamamahagi ng ayuda sa Patricia Paraiso Sports Complex sa Tondo, Brgy. 377 covered court sa Sta. Cruz, Amadome Cocered Court sa Basecovat ASAC Covered court sa Sta. Mesa na unang pinuntahan kahapon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.










