Cauayan City – Nakahanda na ang hanay ng kapulisan sa buong Lambak ng Cagayan upang magbigay alalay sa publiko ngayong bagyo.
Ang Police Regional Office 2 sa pamumuno ni Acting Regional Director Police Brigadier General Antonio Marallag Jr. ay bumuo ng Reactionary Standby Support Force na kinabibilangan ng 4000 pulis upang umantabay sa sitwasyon ngayong panahon ng sakuna.
Maliban sa manpower, inihanda rin ng Valley Cops ang kagamitan na kanilang kakailanganin katulad ng rubber boats, life vests, ambulansya, truck, at iba pa, sakali man na magkaroon ng Search ang Rescue Operations sa mga Hazzard Prone areas sa rehiyon dos.
Samantala, paalala rin ni PBGEN Birung sa mga hepe ng bawat police stations sa buong Lambak ng Cagayan na subaybayan ang sitwasyon sa kani-kanilang lugar upang kaagad na matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.