Nasa higit 48,0000 na test kits na ang naipamigay ng Office of the Vice President (OVP) bilang tugon sa pagpapalawak ng COVID-19 testing sa bansa.
Mula sa sariling pondo, nakabili ang OVP ng mga test kit na ipinamahagi nito sa ilang ospital at institusyon sa Metro Manila gaya sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa gayundin sa mga probinsya.
Muli namang nanawagan si Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na dagdagan pa ang testing sa mga probinsya dahil problema pa rin ang accessibility at affordability nito sa maraming lugar sa labas ng National Capital Region (NCR).
Nauna na ring ipinakiusap ng pangalawang pangulo na bilisan ang distribusyon ng bakuna sa mga probinsya kung saan dumarami na ang hawaan ng COVID-19.
Facebook Comments