Umaabot na lamang sa higit 50 barangay ang naitalang naka-granular lockdown sa buong Metro Manila.
Sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nasa 56 na lamang na barangay ang nagpapatupad ngayon ng granular lockdown.
Apektado dito ang nasa 82 mga lugar kung saan ang lungsod ng Maynila at Quezon City ang nakapagtala ng mataas na bilang ng naka-lockdown na barangay na kapwa nasa 30.
Nasa 242 naman na mga pulis ang nagbabantay para masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa mga naka-lockdown na barangay.
Katuwang nila ang nasa 234 na force multipliers na patuloy sa pag-iikot upang masigurong naipapatupad ang health protocols at guidelines na rin sa ipinapatupad na granular lockdown.
Paalala naman ng mga otoridad at ng lokal na pamahalaan sa mga barangay na naka-lockdown na sumunod na lamang muna sa protocols ng granular lockdown upang mapigilan ang hawaan ng COVID-19.