HIGIT 50 MILYONG PHILSYS AT EPHILID, TARGET NA MAIBAHAGI NGAYONG TAON

Tinatayang nasa limampung milyon ang bilang ng kabuuan ng target mabahagi na PhilSys at EPhilId, ayon kay Emily R. Pagador, ang Assistant National Statistician ng PSA sa kanyang pinakabagong update tungkol sa Philippine Identification System, sa naganap na PSA-RSSO 1 4TH Annual Media Forum and Media Awards.
Nasa 74.9 na milyon naman ang bilang ng nakatapos na ng Step 1 at 2 ng PhilSys Registration.
49.1 milyon na rin ang bilang ng mga registered identification na tapos nang sumailalim sa PSN Generation. Ito naman ay ang mga cards na nasiguro na ang demographic at biometric identification ng citizen na maaari nang mahatid sa mga PhilPost Centers.

Naipadala na rin ang 24.3 milyong Physical ID sa Phil post Centers na inaaasahang matatanggap ng mga naunang mamamayang nagparehistro sa PhilSys.
Mula sa 30 milyong card na target maideliver, 18.9 milyong PhilID na ang nadeliver sa mga nagmamay-ari ng cards.
Samantala, mayroon namang 2.1 milyong Printed o Digital EPhil Id ang naisyu na, at handa nang maimprinta ng katuwang na ahensya ng PSA, ang Bangko Sentral ng Pilipinas.
Tiniyak ng PSA na magpapatuloy ang pag-issue ng mga cards, Physical man o ang Digital ID.
Gayunpaman, pinaalala muli ng pamunuan, na mayroong parehas na feature ang EPhilID at ang PhilSys card. Hindi rin dapat ituring na Temporary ID ang Digital Card dahil permanente na ito at magagamit pansamantala habang hindi pa napapasakamay ang Physical ID. | ifmnews
Facebook Comments