Bata, patay sa panggugulpi ng tiyuhin at live-in partner dahil sa naubos na ulam

Patay ang isang walong taong gulang na lalaki matapos gulpihin ang kanyang tiyuhin at live-in partner nito sa Quezon City.

Umaga nitong Sabado nang pagsasampalin, pagsusuntukin at sinikmuraan pa ang biktima.

Nasundan pa ang pananakit noong kinahapunan matapos na umuwing lasing ang live-in partner ng kanyang tiyuhin.


Ayon kay Police Lt. Anthony Dacquel, hepe ng Quezon City Police District Station 14 – Investigation Section, binagsakan ng suspek ng LPG ang katawan ng bata habang ito ay nakahiga saka binuhat at inuntog sa sahig.

Nilunod din daw ang bata at pinalabas na naaksidente sa CR dahil sa kalikutan.

Isinugod sa ospital ang bata pero nasawi rin ito dahil sa blood trauma sa ulo.

Depensa naman ng suspek, nakainom siya at nagdilim ang kanyang paningin kaya nagawan ang pananagit sa biktima.

Dinisiplina lang din daw niya ang bata.

Nadiskubre naman na sinasaktan din ng mag-live in partner ang dalawa pang kapatid ng biktima na edad 10 at 7.

Isinumbong din ng panganay na ginahasa siya ng partner ng kanilang tiyuhin.

Isasailalim sa counseling at stress debriefing ang mga bata habang isasalang sa drug test ang mga suspek na ngayo’y nahaharap na sa patong-patong na kasong murder, rape at child abuse.

Facebook Comments