Inihayag ngayon ng Sub-Technical Working Group on Data Analytics ng Inter-Agency Task Force (IATF) na umaabot sa 50.8 percent ng bilang ng mga dapat mabakunahan ng ikalawang dose kontra COVID-19 ang hindi sumipot para tumanggap ng kanilang bakuna.
Ayon kay Dr. John Wong, base ito sa nakuha nilang datos mula buwan ng Marso hanggang May 29, 2021.
Mula sa 2,125,788 na dapat tumanggap ng second dose habang nasa 1,046,886 lamang ang bilang ng naturukan.
Hindi naman masabi ng doktor ang dahilan kung bakit hindi sumipot ang nasa 1,078,902 na babakuhanan sana para makumpleto na ang pagtanggap nila ng bakuna.
Dagdag ni Dr. Wong, kanila pa rin aalamin ang iba pang impormasyon mula sa Department of Health (DOH) at mga lokal na pamahalaan.
Facebook Comments