Higit 500 Barangay sa 14 na siyudad sa Metro Manila ang Flood-Prone o mabilis malubog sa baha.
Base sa datos ng Mines and Geoscience Bureau, tinukoy ng MMDA kung ilang Barangay sa mga siyudad sa Metro Manila ang bahain.
- Manila – 215
- Caloocan – 17
- Las piñas – 21
- Makati – 30
- Mandaluyong – 20
- Marikina – 14
- Muntinlupa – 9
- Parañaque – 15
- Pasay – 121
- Pasig – 28
- Pateros – 10
- Quezon city – 62
- San juan – 1
- Taguig – 16
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, patuloy ang declogging sa mga sewerage upang maiwasan ang pagbabara sa mga daluyan ng tubig.
Lahat ng 61 Pumping Stations ng MMDA para sa Flood Control ay gumagana.
Nagpaalala ang MMDA sa publiko na itapon sa wastong lugar ang mga basura.
Facebook Comments