HIGIT 500 KASO NG ESTAFA, SCAM, AT SWINDLING, NAITALA NG NBI REGION 2

Cauayan City – Nakapagtala ng 558 na bilang ng kasong Estafa, Scam, at Swindling ang National Bureau of Investigation Region 2 noong taong 2024.

Ito ang inihayag ni BIR Regional Director Atty. Victor John Paul Ronquillo kung saan, ang mga nabanggit na kaso ang siyang nanguna sa majority cases na kanilang natanggap noong nakaraang taon.

Pumangalawa naman sa listahan ng pinaka maraming bilang ng kasong kanilang natanggap ay ang Malversation o Bribery, at Illegal Recruitment na parehong nakatapagtala ng 68 na bilang.

Maliban dito, kabilang rin sa majority cases filed ang forgery o falsification of documents na mayroong 36 na bilang, Robbery o Theft na may 16 na bilang, at kasong Murder na may 14 na bilang.

Ayon sa direktor, mula sa 973 na bilang ng kasong natanggap ng NBI Region 2 mula sa iba’t-ibang District Offices, 346 na bilang ng kaso ang tuluyang naisampa sa korte at piskalya, habang ang iba naman ay ibinasura dahil sa kakulangan ng ebidensya, at ang ilan ay kasalukuyan pa rin ang ginagawang imbestigasyon.

Facebook Comments