Higit 500 lugar sa bansa, nasa ilalim ng granular lockdown ayon sa DILG

Nasa 540 lugar sa bansa ang nasa ilalim ngayon ng granular lockdown dahil sa mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, apektado nito ang nasa 1,482 indibidwal mula sa 31 lungsod at munisipalidad.

Samantala, nasa halos 2,000 Philippine National Police (PNP) personnel naman ang nakatalaga sa mga quarantine hotel upang maiwasan ang pagtakas ng mga indibidwal.


Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DILG na magtalaga ng mga pulis sa quarantine hotels kasunod ng isyu ng pagtakas ng kinilalang si “Poblacion Girl” na kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments