Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 527 na benepisyaryo mula sa bayan ng Benito Soliven ang nabigyan ng tulong sa ilalim ng Isabela-Recovery Initiative to Support Enterprises (I-RISE) program ng Pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
Pinangunahan mismo ni Isabela Governor Rodito Albano III ang pamamahagi ng cash assistance at bigas kasama sina Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III, Congressman Allan U. Ty ng LPGMA partylist, Sangguniang Panlalawigan Members Ed Christian S. Go, Abegail V. Sable, Mayor Robert Lungan at ng mga local officials.
Ang nasabing programa ay tulong at suporta ng provincial government para sa mga mamamayang Isabelino lalong-lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Nakiusap naman ang Gobernador sa mga nabenipisyuhan na gamitin sa tama at palaguin ang natanggap na pang puhunan upang guminhawa rin ang pamumuhay.
Sinabi pa ng ama ng Lalawigan na marami aniyang planong gagawing tulong ang pamahalaang panlalawigan kaya’t habang mayroon aniya ang Kapitolyo ay tuloy-tuloy lamang ang kanilang pamamahagi ng ayuda.