Higit 500 pasahero, nakinabang sa libreng sakay ng MPD

Umaabot sa higit 500 pasahero ang naserbisyuhan ng Manila Police District (MPD) sa ikinasa nilang “Oplan Libreng Sakay”.

Ito’y kasunod ng mga naitalang pagbaha bunsod ng bagyo at habagat.

Sa datos ng MPD District Mobile Force Battalion, aabot sa 534 pasahero ang nakinabang sa kanilang serbisyo.


Kabilang dito ay mga senior citizen, mga buntis, Person with Disability (PWD) at Manileños na papasok sa kani-kanilang trabaho.

Ang “Oplan Libreng Sakay” ng MPD ay dumadaan sa mga rutang Morayta-Welcome Rotonda, Pedro Gil Taft-Welcome Rotonda, Mabini kanto ng Pedro Gil, United Nation Ave., Manila City Hall, Carriedo, Recto Avenue patungong Taft Avenue.

Sa abiso ng MPD, mananatili ang libreng sakay hangga’t patuloy ang nangyayaring pag-ulan at makatulong pa rin sa publiko lalo na ang pauwi galing sa kanilang trabaho.

Facebook Comments