Higit ₱13-M na hinihinalang shabu, nasabat ng PCG sa Surigao City

Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa higit ₱13 million na halaga ng hinihinalang shabu sa Surigao City.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) K9 Force, nakumpiska ang humigit-kumulang dalawang kilo ng hinihinalang shabu, sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Lipata Port, Purok 1, Barangay Lipata, Surigao City, noong August 29.

Arestado rin ang tatlong suspek habang nasa akto ng pagbebenta ng iligal na droga.


Samantala, na-i-turnover na ng PCG sa Surigao City Police Station (SCPS) ang mga nakumpiskang kagamitan, gayundin ang mga suspek para sa imbestigasyon at paghahain ng karampatang kaso.

Facebook Comments