Umaabot sa 558 rolling cargoes ang kasalukuyang stranded sa ilang mga pantalan sa Western at Eastern Visayas, Southern Tagalog, at Bicol Region.
Ito’y dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng low pressure area (LPA) at habagat.
Bukod sa mga rolling cargoes, may 658 pasahero, limang motorbanca, at limang vessel ang hindi pa rin makabiyahe.
Karamihan sa mga nai-stranded ay naitala sa Easterm Visayas Region partikular sa Port of Maasim at Port of Burgos na nasa 534 na pasahero, 267 na rolling cargoes, at limang motorbanca.
Patuloy naman na umaalalay ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga na-stranded na pasahero kung saan nagpaabot na sila ng pagkain, tubig, at iba pang pangangailangan.
Pinapayuhan naman ang mga biyahero na alamin muna sa mga shipping company ang schedule ng mga biyahe upang hindi maabala sakaling magkaroon ng kanselasyon.