Higit 5,000 Baboy, Pinatay dahil sa kaso ng African Swine Fever sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng kaso ng African Swine Fever (ASF) ang lalawigan ng Cagayan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Provincial Veterinarian Dr. Noli Buen, ang pagkalat ng ASF sa apat na munisipalidad ay nakumpirma noong July 29.

Ayon sa kanya, may nakatalagang tao sa tinatawag na inter-municipal AF checkpoint sa mga boundary ng lalawigan pero sa kasawiang palad ang mga nagbabantay na tauhan ng mga LGU sa checkpoint ay naapektuhan naman ng COVID-19.


Umabot sa 1,411 hog farmers ang apektado ng ASF habang isinailalim na sa culling o pagpatay ang nasa 5,500 baboy na bahagi ng protocol sa mga apektado ng sakit ng baboy.

Bilang tulong, naglaan aniya ng P3, 000 kada ulo ng baboy na hindi hihigit sa bilang na tatlo.

Samantala, sinabi pa ni Buen na kontrolado na ang sitwasyon ng ASF sa apat na lugar.

Ito ay matapos mapaulat noong buwan ng Enero na marami ang namatay na alagang baboy.

Facebook Comments