Higit 50,000 indibiduwal, nakatanggap ng second dose ng bakuna sa Lungsod ng Maynila

Umaabot na sa higit 50,000 indibdwal ang nakatanggap na ng second dose ng bakuna sa Lungsod ng Maynila.

Base sa datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 54,295 na ang nabigyan ng kanilang second dose habang umabot na sa 111,875 ang total first dose vaccinations na isinagawa sa lungsod.

Nabatid na pinagasiwaan ng MHD ang 84,257 first dose vaccinations at 49,269 second dose vaccinations.


Habang nasa 27,618 ang bilang ng nakatanggap ng unang bakuna sa hanay ng Private/National Government Hospitals kung saan 5,026 ang bilang ng nakatanggap ng kanilang second dose.

Sa kabila nito, patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga indibidwal na kabilang sa priority sectors na magpabakuna lalo na’t limitado pa ang bilang ng COVID-19 vaccines na dumarating sa bansa.

Facebook Comments