Taguig LGU, nagbabala sa publiko sa mga scammer online na nag-aalok ng vaccination slots

33

Pinag-iingat ng Taguig City Government ang kanilang mga residente na mag-ingat sa mga scammer na nag-aalok ng vaccination slots online.

Sa isang abiso, nilinaw ng lokal na pamahalaan na dito gumagamit ng social media para sa appointment at pagkumpirma sa kung sino ang mapapasama sa mga scheduled vaccination.


Libre o walang bayad din ang registration sa pagpapabakuna at isinasagawa ito gamit ang trace system ng Taguig.

Tanging mga confirmed slots na galing sa City health office ang kikilalanin sa mga vaccination sites.

Mahigpit ding susundin ang nasa vaccine priority list upang masigurong mga bulnerableng sektor ang mauuna.

Nagbabala ang Taguig LGU sa mga nasa likod ng naturang ilegal na aktibidad na huhulihin sila at mahaharap sa kasong kriminal.



Facebook Comments