Umabot na sa higit 5,500 ang nasawi sa kampanya kontra ilegal na droga.
Sa datos mula sa realnumbersph, nasa 5,526 na drug suspects na ang napatay sa anti-narcotics operations mula July 1, 2016 hanggang June 30, 2019.
Mababa ito kumpara sa inilabas na report ng PNP noong nakaraang buwan na halos 6,600 ang nasawi sa police anti-drug operations.
Paglilinaw ni PNP Deputy Spokesperson, Lieutenant Colonel Kimberly Molitas – ang mababang datos ay ang official at validated data.
Inilabas ang datos matapos i-adopt ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang resolusyong mag-iimbestiga sa human rights situation sa bansa.
Pero nanindigan si Presidential Human Rights Committee Secretariat Executive Director, Undersecretary Severo Catura – hindi tatanggapin ng gobyerno ang resolusyon.
Isa lamang itong pang-aapi at pang-aasar sa mga developing countries gaya ng Pilipinas.