Higit 600 piraso ng ipinagbabawal na canned product, nakumpiska sa Tondo, Maynila

Aabot sa 655 piraso ng ipinagbabawal na canned product na “Ma Ling” mula sa bansang China ang kinumpiska ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB).

Ang produktong processed meat mula China ay nasamsam ng VIB sa isang mini-grocery sa Masinop Street, Tondo, Maynila.

Sa pangunguna ni VIB Officer-in-charge Dr. Nicanor Santos Jr., naglunsad ng operasyon ang VIB Enforcement Squad kung saan pinagpapaliwanag nila ang hindi na pinangalanang may-ari ng mini-grocery kung paano siya nakakuha ng naturang produkto.


Matatandaan na noong nakaraang taon, ipinagbawal ng Food and Drug Administration (FDA) ang importasyon at distribusyon sa mga produkto mula China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine dahil sa banta ng African Swine Flu at iba pang mga sakit.

Alinsunod ito sa Food Safety Act 10611, Memo Order no. 6 series of 2019 o “Temporary Ban on Importation of Processed Meat from Countries Infected with African Swine Flu, Avian Influenza and Foot and Mouth Disease.

Facebook Comments