Lalaking sinita dahil walang suot na face mask, kinulong dahil sa droga

Kulong ang tuloy ng isang lalaking taga Makati City, matapos itong makuhanan ng droga ng sitahin ito ng mga otoridad dahil sa walang suot na face mask.

Nakilala ang suspek na si Michael Padunginug alyas Mike, 28-anyos, residente ng Barangay Pitogo, Lungsod ng Makati.

Nakuha mula sa kanya ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may katumbas na halaga na P6,052.


Batay sa ulat ng Makati Police, pagala-gala ang suspek sa kahabaan ng Sgt. F Yabut St. kanto ng Kalayaan, Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City pasado alas:5:15 ng hapon kahapon na walang suot na face mask at wala pang dalang quarantine pass, nang kapkapan ito ng mga pulis, doon nakuha ang umano’y shabu.

Kaya naman agad itong dinala sa Makati Police Station 7.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Executive Order No. 10 na may kaugnayan sa Enhanced Community Quarantine at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments