Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng higit 6,000 indibidwal sa buong bansa na nakarekober sa COVID-19.
Sa datos na inilabas ng DOH, nasa 6,756 ang nadagdag sa mga gumaling dahilan kaya sumampa na ito sa 1,109,226 na.
Nakapagtala rin ng 3,083 na karagdagang kaso ng COVID-19 kaya’t ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ay nasa 50,635.
38 naman ang nadagdag sa mga nasawi kung saan ang kabuuang bilang nito ay nasa 19,951.
Ang kabuuang bilang naman ng kumpirmadong kaso ay pumalo na sa 1,179, 812 habang 95.1% sa bilang ng active cases ay pawang mga mild at asymptomatic na kaso.
Ayon pa sa DOH, ang mababang kaso ngayong araw ay dulot ng isinasagawang updates sa digital platform na COVIDKaya kung saan may ilang datos na hindi naisama sa kasalukuyang case bulletin pero ito ay kasalukuyang inaayos ng COVIDKaya technical team.