Aabot sa 6,595 na healthcare workers sa Metro Manila ang naka-quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon kay Treatment Czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega, katumbas ito ng 7.2% mula sa mula sa 91,838 na healthcare workers sa National Capital Region (NCR).
Dahil dito, napipilitan aniya ang ilang ospital na pansamantalang itigil o isara ang ilang serbisyo at i-deploy ang kanilang health personnel para tumugon sa COVID-19.
Tiniyak naman ni Vega na patuloy ang DOH sa pag-augment ng mga health worker para tumulong sa pagtugon ng tumataas na kaso ng COVID-19.
Facebook Comments