Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 258 ang kabuuang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Santiago batay sa pinakahuling datos ng City Health Office.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Genaro Manalo, City Health Officer ng LGU, punuan umano ang halos lahat ng quarantine facilities ng lungsod kung kaya’t nakiusap ang lokal na pamahalaan sa DepED na ipagamit ang ilang pasilidad sa harap ng dumaraming kaso ng mga nagpositibo sa sakit.
Bagama’t nauna nang naglunsad ng ‘Resbakuna Night’ ang LGU ay biglaan umano ang dami ng mga residente na magpapabakuna pa lamang sa unang dose.
Sa kasalukuyan aniya ay mayroong pitumpu’t apat (74) na pasyente ang patuloy na inoobserbahan sa mga ospital matapos tamaan ng COVID-19.
Patuloy naman ang panawagan nito sa publiko na huwag matakot magpabakuna dahil tiyak na ligtas ang lahat ng gamot na ituturok laban sa COVID-19.
Facebook Comments