Higit 7,000 healthcare workers sa buong mundo, nasawi dahil sa COVID-19 – Amnesty International

Umaabot na sa higit 7,000 healthcare workers ang namatay sa COVID-19.

Sa tala ng Amnesty International, pinakamarami ang naitala sa Mexico na nasa 1,320.

Sinundan ito ng Estados Unidos (1,077), Brazil (634) at India (573).


Ayon kay Economic and Social Justice Head Steve Cockburn, kailangang magkaroon ng global cooperation para matiyak na nabibigyan ng kinakailangang protective equipment ang mga healthcare workers para patuloy silang makapagsilbi na hindi nalalagay sa alanganin ang kanilang buhay.

Sa huling datos ng Worldometer, nasa 26,466,136 ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo, nasa 873,182 ang namatay habang nasa 18,660,392 ang gumaling.

Facebook Comments