Higit 7,000 indibidwal sa buong bansa, naitalang nakarekober sa COVID-19 ayon sa DOH

59

Naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) ang higit 7,000 indibidwal sa buong bansa na nakarekober sa COVID-19.

Sa inilabas na datos ng DOH, karagdagang 7,701 ang gumaling kung kaya’t ang kabuuang bilang nito ay nasa 1,232,986 na.


Nakapagtala naman ng 7,302 na karagdagang kaso ng COVID-19 kung saan nasa 59,865 na ang aktibong kaso.

137 naman ang nadagdag sa mga pumanaw na sa kabuuan ay nasa 22,788 ang bilang.

Ang kabuuang bilang naman ng naitatalang kumpirmadong kaso sa buong bansa ay nasa 1,315, 639.

Ayon pa sa DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 11, 2021 habang mayroong isang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).



Base pa sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng isang laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.17% sa lahat ng samples na nasuri at 0.18% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Samantala, isa ang nasawi at isa rin ang nadagdag sa bilang ng mga Filipino sa ibang bansa dahil sa COVID-19.


Sa inilabas na datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), umaabot na sa 20,093 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19; 1,199 ang nasawi at 12,077 ang bilang ng mga nakarekober na mga Pinoy sa ibang bansa.

Facebook Comments