HIGIT 76 THOUSAND NA BILANG NG BAGONG BOTANTE SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, NAITALA NG COMELEC

Pumalo sa 76, 461 na mga indibidwal sa lalawigan ng Pangasinan ang naitalang bagong botante dito, ito ay batay sa datos ng Commission on Elections Provincial Office.

Ayon kay Provincial Election Officer Atty. Marino Salas, nagiging maganda ang turn-out ng mga nagpaparehistro kahit nasa gitna ng pandemya at may mga naipatupad na health protocols.

Dagdag pa nito na nalampasan ng nasabing bilang ang target nilang 60 hanggang 70 thousand na magpaparehistro simula nang buksan ang registration period noong Setyembre ng nakaraang taon at magtatapos sa huling araw ng Setyembre ngayong taon.


Umakyat naman ngayon sa 1 million 962 thousand ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa buong Pangasinan.

Samantala, pinayuhan ang mga nais humabol sa pagpaparehistro para makaboto ay kailangan lamang magtungo sa election officer sa iba’t-ibang mga bayan at lungsod depende sa ipinapatupad na scheduling ng mga ito.

Sa ngayon, unti unti namang nanunumbalik ang off-site registration ng COMELEC sa mga barangay sa buong Pangasinan.

Facebook Comments