Ayon sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay SF02 Wesley Austriaco, Gamu MFPO, pinamunuan ni Supt Aristotle Atal, Isabela Provincial Fire Director ang mga nakiisang BFP personnel.
Aniya, ito ay bilang tugon sa direktiba mula kay CSupt Rizalde Castro, Regional Director BFP Region 2 para sa lahat ng Provincial Director sa buong rehiyon.
Dagdag pa ni SF02 Austriaco, tatlo mula sa BFP Gamu ang nakiisa at tumungong Abra at Ilocos ayon na rin sa atas ng Provincial Director sa bawat istasyon.
Matatandaan na ang mga lalawigan ng Abra at Ilocos ang labis na napinsala sa nangyaring pag-lindol kung saan naitala sa Lagangilang, Abra ang 7.3 magnitude.
Layunin ng nasabing ogmentasyon na siguruhin ang panggkabuuang seguridad at aspetong pangkalusugan ng response team, maiwasan ang iba pang insidente dulot ng sakuna at masiguro ang ibayong kaligtasan ng mga mamamayan.