GRANADA, ISINUKO NG ISANG LALAKI SA PNP CAUAYAN

21
Cauayan City, Isabela-Boluntaryong isinuko ng isang lalaki sa kapulisan ang isang granada sa pamamagitan ng programang Oplan Katok ng PNP Cauayan.

Isinuko ni Minasis Vergara, 49 taong gulang at residente ng Brgy. Cabaruan, Cauayan City ang isang raffle hand grenade with canister kahapon, Hulyo, 28, 2022.

Ang naturang explosive item ay nasa pangangalaga na ni Police Senior Master Sergeant Jedus Gubam, logistics PNCO ng PNP Cauayan City, Isabela.

Sa pamamagitan ng Oplan Katok, hinihikayat ng kapulisan ang publiko na isuko na lamang ang mga hindi lisensyadong baril sa kanilang himpilan.

Facebook Comments