Cauayan City, Isabela- Nasa kabuuang 811 na Ilagueños ang matagumpay na nakapag-donate ng dugo sa isinagawang Blood Letting Activity ng LGU Ilagan nitong Miyerkules, July 27, 2022, sa City of Ilagan Community Center, Centro Poblacion, City of Ilagan, Isabela.
Inisyatibo ni Hon. Josemarie “Jay” Diaz ang nabanggit na aktibidad sa pamamagitan ng Ilagan Blood Depository System or #IBlooDS ng LGU Ilagan na may temang “Dugong Tulong, Buhay ang Karugtong”.
Katuwang sa nasabing bloodletting activity ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) at Non-Government Organizations gaya ng Rotary Club of Ilagan, Ilagan Inter fraternity Council, Jugis Legio Draconis Incorporated, Barangay Councils at Sangguniang Kabataan, at iba pang Barangay-Based Institutions.
Layunin ng nabanggit na aktibidad na makakolekta ng dugo sa tulong at pakikipagkaisa ng iba’t ibang organisasyon at mamamayang Ilagueños na magagamit ng mga pasyenteng nangangailangan masalinan ng dugo.
Facebook Comments