On-Site Inspection sa City of Ilagan Evacuation Center, Isinagawa kaugnay ng Pag-Lindol

16
Nagsagawa ng on-site inspection sa kasalukuyang ginagawang City of Ilagan Evacuation Center nitong Miyerkules, July 27, 2022.

Binisita mismo ni Hon. Josemarie “Jay” Diaz, City Mayor ang itinayong imprastraktura katuwang si Ginoong Ricky Laggui, Head ng Government Service Office (GSO) na nagsisilbi bilang malaking evacuation center sa lungsod na nasa likod lamang ng Ilagan City Hall.

Samantala, ayon kay Ginoong Paul Bacungan, City Public Information Officer, bagaman nakaranas ng pag-lindol kahapon ay hindi nagsuspinde ng transaksyon ang Ilagan City Hall.

Matatandaan na kasama ang lalawigan ng Isabela sa nakaranas ng pagyanig ng lupa kahapon kung saan naitala ang 7.3 magnitude sa Lagangilang, Abra.

Facebook Comments