Isinagawa kahapon ang kick-off ceremony para sa synchronized polio vaccination campaign na tinaguriang ‘Sabayang Patak Kontra Polio’ sa BARMM sa pangunguna ng Ministry of Health (MOH).
Target ng kampanya na mahinto na ang poliovirus outbreak sa bansa matapos ang 19 na taong polio-free nito sa pamamagitan ng pagbabakina sa mga bata laban sa virus.
Ayon kay Health Minister Dr. Saffrullah M. Dipatuan, panahon na upang ituloy ang naantalang Immunization program ng DOH-National bunsod ng Covid-19 pandemic.
Isasagawa ng MOH ang Sabayang Patak Kontra Polio sa limang lalawigan ng BARMM hanggang sa August 20.
Siniguro ni Minister Dipatuan na istriktong ipapatupad ng community-based public health practitioners na mangangasiwa sa pagbabakuna sa mga batang limang taon pababa ang health at safety measures sa panahon ng kampanya.
Nasa 839,677 mula sa ibat ibang probinsya ng rehiyon ang target na mapatakan na mga kabataan kontra polio.(D.M.R)
BARMM PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Higit 800 libong kabataan sa BARMM Target na mapatakan kontra Polio
Facebook Comments