Manila, Philippines – Tatanggap ngayong umaga ng diploma ang 820 na mga preso ng Manila City Jail bilang pagtatapos ng kanilang pag-aaral.
Ito ay bahagi ng reformation program ng BJMP na nagsusulong ng edukasyon sa mga bilanggo o tinatawag na person deprived of liberty o PDL.
Ayon sa Manila City Jail ang mga PDL ay nagtapos sa Alternative Learning School o ALS.
Nabatid na ngayong 2019 graduates ang may pinakamataas na graduate student na mga preso.
Habang noong 2018 umabot sa 600 ang bilang ng PDL graduates.
Facebook Comments