Higit 8,000 pulis, nahaharap sa administrative charges – PNP

Manila, Philippines – Aabot na sa higit 8,000 pulis ang pinatawan ng administrative sanction mula nitong 2016.

Ito ay sa ilalim ng Internal Cleansing Program ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesperson, Senior Superintendent Bernard Banac – mula January 2016 hanggang February 28, 2019, nasa 2,528 na pulis ang na-dismiss na sa serbisyo, 4,511 ang nasuspinde, 6 01 ang na-reprimand, 507 ang na-demote ang ranggo, 34 ang isinailalim sa restriction at 58 ang tinanggalan ng pribilehiyo.


Mula sa bilang ng mga dismissed police officers, 441 ang sangkot sa illegal drug activities, 322 ang nagpositibo sa paggamit ng droga, habang 119 ang dawit sa illegal drug-related cases.

Patunay aniya ito na ang PNP ay seryoso sa paglilinis sa kanilang hanay.

Tiniyak naman ng PNP na dadaan sa due process ang kanilang kaso.

Facebook Comments