Higit 80,000 pasahero, nakapagbiyahe na sa karagatan – PCG

Hanggang 6:00 kagabi, abot na sa 84,679 ang outbound passenger ang namonitor ng Philippine Coast Guard sa buong bansa na bumiyahe sa karagatan ngayong Holiday Season.

Base sa nationwide monitoring ng Coast Guard mula alas-12:00 ng tanghali kahapon, umabot ng 1,598 ang mga pasaherong bumiyahe sa MMLA, 13,835, naman sa Central Visayas, pinakamarami dito sa Cebu City na mayroong 6,407.

Habang sa South Western Mindanao naman ay mayroon nang 3,423 pasahero ang bumiyahe sa karagatan, Palawan, 2,433, Southern Tagalog 13,545, Western Visayas 17, 314, pinakamarami dito ay mula sa Iloilo at Aklan.


Samantala sa North Western Luzon, mayroon lamang na 596 pasahero ang naglakbay sa karagatan, South Eastern Mindanao 4,601 na pasahero, pinakamarami ang mula sa Davao na umabot ng 3,486, Northern Mindanao 9,040, Eastern Visayas 2,735, North Eastern Luzon 429 at Southern Visayas 7,333 pasahero.

Alinsunod sa Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019 na ipinatutupad ng DOTr, mas hinigpitan pa ng PCG ang pagbabantay sa lahat ng daungan sa bansa upang matiyak at makamit nito ang zero Maritime casualty ngayong Christmas Season.

Pinayuhan din nito ang mga pasahero na manatiling alerto sa kanilang biyahe at sumunod sa mga safety at Security Measures  sa mga Port Terminals at sasakyang pandagat.

Nakikiusap din ang Philippine Coast Guard na ireport sa kanila ang sinumang kahinahinalang indibidwal o grupo sa mga otoridad o Malasakit Help Desk para sa kaukulang aksyon.

Facebook Comments