Pumalo sa mahigit 9,000 indibidwal sa buong bansa ang naitala ng Department of Health (DOH) na nakarekober sa COVID-19.
Sa inilabas na case bulletin ng DOH ngayong hapon, nasa 9,269 ang bilang ng nakarekober kung saan umaabot na sa 418,967 ang kabuuang bilang ng recoveries.
Nadagdagan naman ng tatlo ang naitalang nasawi kaya’t nasa 8,733 ang bilang nito sa buong bansa.
Nakapagtala naman ang DOH ng 1,085 karagdagang kaso ng COVID-19 kung saan nasa 21,980 na ang aktibong kaso ng virus pero 84.4 percent sa mga ito ay may mild symptoms.
Ang Quezon City ang may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ngayong araw na nasa 103, sinundan ng Rizal province na nasa 46, Makati City na may 44 ang bilang habang 43 naman sa lungsod ng Maynila at 39 sa Pasig City.