iFM Laoag – Umabot na ng 1,112 na bilang ng mga baboy ang dumaan sa culling operation o pagtanggal sa mga farm na pinangungunahan ng Provincial Veterenary Office (PVET) matapos umano naapektohan ang mga ito ng African Swine Fever o ASF.
Ayun kay Dr. Loida Valenzuela ng PVET, isa noon ang Ilocos Norte sa mga ASF free ngunit dahandahan itong nawala dahil karamihan sa mga wild boar o baboy ramo sa kabundokan ng probinsya ang unang naapektohan. Ang mga naapektohang baboy ay idinaan sa mercy-killing upang hindi na makahawa pa.
Dagdag pa ni Valenzuela na marami kasing mga Ilokano ang mahilig maghunting at ang ibang mga karne nito ay ibinibenta. Hindi naman daw kailangang mag-alala ang mga hog-raisers dahil may paayuda naman ang gobyerno hinggil dito.
Sa ngayon, dalawang bayan na ng probinsiya ang apektado ng ASF, ito ay ang Bayan ng Solsona at Dingras, Ilocos Norte.
Nagpapatuloy naman ang monitoring ng PVET at nakatotok ang mga ito sa iba’t-ibang hog raisers sa probinsiya pati narin sa presyo ng karne nito at ang pagbiyahe nito palabas ng probinsia. ### Bernard Ver, RMN News