HINIMOK | Publiko, hinikayat na tumulong sa mga kaso ng pambu-bully

Manila, Philippines – Hinimok ni Bataan Representative Geraldine Roman ang publiko na tumulong na labanan ang bullying sa lipunan.

Ayon kay Roman, dapat na i-report agad sa mga otoridad ang anumang uri ng pambu-bully.

Pinayuhan din ng kongresista ang mga biktima ng bully na maging matatag at matibay sa pagharap sa hamon ng buhay.


Sinabi ng mambabatas na batid at ramdam niya ang emotional pain na pinagdaraanan ng mga nabu-bully.

Dagdag pa ni Roman, walang lugar sa lipunan ang hate at violence lalo na sa mga paaralan.

Pinatitiyak din ng kongresista na dapat ay ligtas para sa mga kabataan ang mga eskwelahan anuman ang estado o katayuan sa buhay.

Facebook Comments